BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS �

Sunday, February 14, 2010

For V-Day's Sake


Miss You
by Kathleen S. Musni

Days and weeks passed by
I didn't hear from you
A glance on your photograph
I don't know what to do.

Every minute I'm thinking of you
Are you thinking of me too?
Lying here wide awake
Oh boy, how I miss you.

In every dream
You're always there
I wanna scream
But you could not hear.

Struggling with this pain
Pain with no cure
Staring in obscurity
I need your help
I need you here with me.


**Back to my Junior days in high school.

Friday, February 12, 2010

Yun Lang, Gusto Kita



Dear You,

Alam mo, gusto kita. Oo, 'nun pa. Hindi ko lang sinasabi kasi maraming dahilan. Masyadong kumplikado. Ewan ko, natutuwa kasi ako sa'yo. Nararamdaman ko rin kasing pinapahalagahan mo ako. Oo, gusto kita.

Dati, akala ko crush lang. Alam mo yun, paghanga. Nakakatuwa ka kasi, napapasaya mo ako. Pero ngayon, parang iba na. Ibang-iba na. Gusto na kita laging makasama. At pagkasama na kita, sobra ko naman ng saya. Gusto kita laging makausap. At pagkausap na kita,parang ayaw ko nang matapos pa. At pagkausap kita, nakakalimutan ko na lahat ng iba ko pang dapat gawin. Masyado akong naging abala at tutok sa'yo. Gusto na nga talaga kita.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit o kung paano. Basta bigla na lang. Nakakagulat. Pero hindi ko pinigilan na maramdaman ko ito, kasi alam kong gusto ko. Minsan nga naiisip ko, paano kung maging tayo, magiging masaya kaya tayo pareho? Naiisip ko rin, gusto mo rin kaya ako? O nagustuhan mo rin kaya ako? Kahit kaunti lang. Siguro kapag ang sagot mo ay oo, kikiligin ako. At kapag hindi naman, tiyak malulungkot ako. Bakit? Kasi gusto kita.

Matapang na tao ako. Yung mga bagay na gusto kong sabihin, sinasabi ko. Wala akong pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao. Iilan lang yung mga pagkakataon na talagang itinatago at sinasarili ko. At siguro, isa ito sa iilan na iyon. Kaya kong sabihin sa'yo, oo. Pero mas pipiliin ko muna sa ngayon na huwag na lang. Ayoko kasing may masasagasaan na tao sa mga bagay na gagawin ko. Mahirap rin yung ganito, masikip sa puso. Gusto ko nang ilabas. Pero hindi talaga, kahit gusto kita.

Hindi ko alam kung mababasa mo ito. Dahil pagdating sa mga ganitong ginagawa ko, hindi naman sa wala kang pakialam, hindi mo lang siguro trip makialam at alamin kung ano ang mga nangyayari sa akin at sa buhay ko. Sa malamang kahit masakit mang malaman, wala ka nga atang pakialam. Pero sa panahong makita at mabasa mo ito, tatlong bagay lang ang hihilingin ko: Una, sana maramdaman mo, kahit kaunti lang, na ikaw, ikaw ang tinutukoy ng sulat na ito. At pangalawa, sa panahong naramdaman mong para sa iyo ito, sana ipaalam mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo. At pangatlo, kapag sasabihin mo na sa akin ang nararamdaman mo, sana naman ang maririnig ko ay yung mga salitang, Oo gusto mo rin ako.

Hindi naman sa naghahangad ako ng masyado, sinasabi ko lang kung ano yung totoong nararamdaman ko. Sino ba naman kasi ang may hindi gustong magustuhan ka ng taong gusto mo. Oo alam ko, magulo. Pero ganu'n talaga. Pagdating sa ganito, lagi akong naloloko. Hayaan mo, sa panahong handa na ako, pangako ilalagay ko na ang panggalan mo dito. Huwag mong isiping ikinahihiya kita, kasi hindi 'yon totoo. Kaya nga ginawa ko ito dahil sa sobrang paghanga at pagkabilib ko sa'yo. Sa kung ano at sino ka talaga. Nakakatuwa. Nakakaloko. Nakakahulog. Kaya heto ako ngayon, gustung- gusto ka.

Love always,
Me

All That I Am, All That I Ever Was



Being alone sometimes brings me closer with my lost self. It's been years that I felt something in me is really missing. The person who I was is nowhere to be found. The self which I placed somewhere I do not know. It's sweet... and woeful.

I've been surrounded with lots of people; strangers, friends, animals and bullshits. They made me forget that there is more to life than clinging in to them. It is so serious that I almost forget about myself. To be honest, I think I've been busy pleasing and entertaining these creatures. And now I realized, they are so creepy and the thought of it scares me.

Three days since I unite with my soul. It keeps on whispering the words I should have known way back. The mumbled words before that I did not mind. The things that is futile to me, I thought. And I was wrong. I should have listened. Fuck.

Everything is slowly getting lucid now. I am now conscious of the things I should have known for so long. It feels like I've been awakened. I can now appreciate. I can understand now and I am getting the hang of it. Everything is clearer now. My long lost self is soon to be found.