BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, July 14, 2010

Just Another Letter

14 July 2010

Wednesday, 02:21 AM


Dear You,

Alam mo, sobrang saya ko. Masaya kasi sa wakas nasabi ko na sa`yo. Hindi ko akalain na sa mismong pinakamahalagang araw ng buhay ko pa masasabi `yun sa`yo. Hindi ko `to makakalimutan. Ngayon, napakagaan na ng pakiramdam ko. Masarap talaga ang pakiramdam ng walang itinatago. Salamat. Maraming salamat sa pang-unawa mo. Hindi ko akalain na magiging okay lang sa`yo, na tanggap mo. Ang tanga ko talaga, sana hindi ko na pinatagal pa ito. Sana noon ko pa `to sinabi sa`yo, ng hindi na rin ako nahirapan noon. Pero siguro ganoon talaga, ito yung tamang panahon.

Salamat talaga. Wala. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Basta, Masaya ako. Alam ko kasing nandiyan ka pa rin, nandiyan pa rin kayong mga kaibigan ko para sa akin. At `yun nga, sana walang magbago sa atin. At sana, kung may magbago man, para sa ikakabuti at ikakaganda pa ng kung anung mayroon tayo ngayon. Ang sarap isipin na gusto kita. Hindi talaga nagkamali yung pagkakataon na sa lahat ng tao, ikaw yung nagustuhan ko, napakabuti at maunawain mong tao. Hinahangaan kita, salamat.

Pero ngayon, sa totoo lang, may gumugulo na naman sa isip ko. Ngayong nasabi ko na, at officially alam mo na. Iniisip ko kung dapat ko bang bawasan na muna yung pagsusulat at pag-iisip ko ng kung anu-ano paungkol sa`yo para hindi na lumalim pa ito, kung anu pa mhn ito, o hayaan ko na lang kung anong mangyari, kung saan man ako mapunta. Pero hindi rin, eh. Ayaw kong umabot sa point na sobrang mahuhulog ako sa`yo, dahil sa totoo lang ayaw kong masaktan. Ayaw ko ng umiyak. Pero bahala na.

Basta, magkaibigan tayo. Masaya ka at masaya ako. Yun lang ang mahalaga. Basta salamat at hindi mawawala ang paghanga ko sa iyo. Maraming salamat sa lahat. Malaking parte ka ng buhay ko. Salamat talaga, pinasaya mo ako. Siguro nga, dapat bawasan ko na yung mga pagsulat ko. Hanggang sa muli. Mag-iingat ka palagi, ha? At kahit anumang pagdaanan mo, alam kong kaya mo `yan. At kahit anong mangyari, nandito lang ako. Salamat. Hanggang sa muli kong pagsulat.

Love always,

Me

0 comments: