BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Saturday, June 26, 2010

:'(

Akala ko kaya ko na. Hindi eh. Duwag ako. Duwag kasi ako. Kung dati, nagawa ko... ngayon hindi na. Hindi ko kaya. Natatakot ako. Natatakot ako na kapag sinabi ko sa`yo, iiwanan mo lang rin ako. Alam mo kung gaano ko kagusto magkaroon ng kaibigan, matalik na kaibigan. At kahit papaano, sa`yo ko natagpuan `yun. Ayokong mawala yung pinagsamahan natin dahil lang sa kahibangan ko.

Oo gusto kong sabihin para hindi na ako mahirapan, pero hindi pa rin ganu`n kadali para sa akin `to. Natatakot ako, hindi ko alam. Hindi ko kaya. `Di bale, kaya ko pa naman. Kakayanin ko. Malungkot man ako, nagiging masaya rin naman kung minsan, kaya okay lang. Mas mahalaga sa akin yung pinagsamahan natin kaysa sa nararamdaman ko. Baka sa tamang panahon, makakalimutan ko rin `to. Magtiis-tiis na lang muna.
So ngayon, sa akin na lang muna ito. Gusto ko man sanang sabihin sa`yo, pero hindi na lang muna siguro.

0 comments: