BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, February 23, 2010

Alam na!


Mahirap magkwento kapag sinisikreto mo. Dalawa lang yan, pagkayari ng pag-uusap niyo kung hindi mahuhulaan ng kausap mo kung sino yu`n, ikaw na mismo ang gagawa nang ikabubuking mo ng hindi mo namamalayan.


Masarap magkwento sa kaibigan kasi nasasabi mo lahat at makakakuha ka rin ng advice at the same time. Pero paano kung hindi mo kayang sabihin sa mismong mga kaibigan mo? Komplikado. `De sa sarili mo na lang. Pero darating rin yung punto na kailangan mo nang magkwento. Kasi nagsisimula na silang magtanong. At sa panahong nagkwento ka na, `yun na. Patay ka na.

Sikreto nga kasi. Kaya puro second at third person yung ginagamit mo. Ikaw, siya, sila, kayo... Laging ganu`n, hindi pwedeng kami, ako. Laging may salitang 'halimbawa', kunwari.' Mahirap magkwento, maraming pasikut-sikot. Lahat ng karakter sa istorya mo, walang panggalan. Laging paano kung, kung ikaw siya. Magulo. Kumplikado.

At dahil nga sikreto tapos nagsimula ka nang magkwento, maaaliw ka `na. Kasi masarap sa pakiramdam na may napagsabihan ka na. Kaya ayun, nadala ka na, kwento, kwento, at kwento pa. Kahit walang panggalan. Kahit walang pagkakakilanlan.

Sa sobrang kasiyahan mo, hindi mo na namalayan na may mga salita at bagay ka nang nasasabi na nakapagbibigay ng ideya du`n sa kausap mo. Unti-unti nang nagkakamukha yung mga karakter ng istorya mo. Minsan, magsasabi na siya ng panggalan, pero ikaw, todo tanggi naman. Pokerface kumbaga. Parang wala lang. Sige, tuloy pa rin ang kwento.

Alam mo yung nakakabadtrip? `Yun yung tipong patapos na yung kwentuhan tapos may mga bagay na nasabi mong hindi mo inaasahan. Mga bagay na mas nakapagpatibay at nakapagpatotoo na sa kakuwentuhan mo kung sino nga yung mga taong tinutukoy mo. Masaklap. Mapapahiyaw ka talaga. Minsan, sa hiya.

Pero ganu`n talaga. Wala ka nang magagawa. Pakiusapan mo na lang yung nakaalam na kung pwede itago na lang. Nakakaloko pero nakakatuwa pa rin. Kasi, kahit isa may napagsabihan ka na. May nakaalam na. Maluwag sa pakiramdam, hindi ka na kasi nag-iisa. Siguradong may makakakwentuhan ka sa mga posibleng mangyari pa. At isa pa ang tiyak, kapag may nakaaalam pang iba, wala nang ibang may sala kung hindi siya.


Alam mo kung ano yung masaya sa pagkukwento sa mga walang panggalang karakter ng kwento? `Yun yung pagtanggap mo ng mga walang bias na komento galing sa kausap mo. Hindi kasi niya kilala, kaya in general niya tingnan yung sitwasyon, yung kwento. Mas makatotohanan rin tuloy yung mga advice na makukuha mo. Mas makakatulong sa`yo. At mas madalas lalo na kung salungat sa persepsyon mo, mas makakagulo sa isip mo. May second thoughts na, kumbaga. Talagang maguguluhan ka. Anu na nga ba talaga?

xxx

Credits to pizzadreams for the photo

0 comments: