I planned of blogging about how much I adore and like you. About everything that made me feel like this... towards you. But in just 10 minutes, it changed.
Hindi naman sa ayoko na. Naisip ko lang na dapat siguro itigil ko na 'to, habang maaga pa. Keysa isulat ko lahat ng mga bagay kung bakit naging ganito ako ngayon, mas okay na sigurong isulat na lang yung mga dahilan kung bakit hindi na ako dapat magpatuloy pa.
Kailan ko lang talaga naramdaman 'to. Hindi ko rin alam kung bakit, basta na lang. Eto ngayon, ang gulo na ng isip ko. Grabe. Super stuck ka na sa utak ko. Lagi kita naiisip. Lagi kita gustong makausap. Parang super obsessed. Ganun. Alam mo yun, ayaw ko na sanang isipin ka pero wala. Andito ka pa rin.
Ewan ko ba. May oras na feeling ko, gusto kita. Meron naman din na oras na feeling ko, kaibigan lang talaga. Minsan kasi may spark, minsan may kilig, minsan rin wala. Hindi ko lang talaga naisip na magkakaganito ako. Lalo na sa'yo. But don't worry, hindi pa ko super hulog na hulog. Kaso mukhang malapit na ata. Tsk.
Nilalagay ko na sa isip ko na 'wag na, hindi pwede. Baka kasi masayang lang ang lahat. Baka kasi katulad ka rin niya. Nung mga iba. Nakakatakot. Ayaw ko rin naman ng ganun. Mas okay na sa akin na ganito na lang tayo, kesa naman mawala lahat. Pero masarap rin yung feeling na masabi ko sana sayo. Lahat. Kaso nga, baka katulad ka rin niya, na nung sinabi ko na gusto ko siya, nawala lahat. Kung gaano namin kalapit sa isa't isa, ganun na rin kami ngayon, kalayo.
Ngayon? Sa totoo lang. Nalulungkot ako. Nagseselos ako. Gusto kong umiyak. Shet. Hindi naman ako ganito dati. Oh my! Iba 'to. Iba yung pakiramdam. Masakit. Kung anu-ano yung sinasabi ko. May nakita lang ako, nakakaselos na. Bakit ganito? Ayoko naman kasing magustuhan ka talaga kasi nga baka may masaktan ako but then again like shit, ako yung nasasaktan. So dapat talaga itigil na ito.
Ewan. Kaya mas okay talaga na crush-crush na lang, eh? Kasi that way, hindi gaano masakit. Sakto lang. Pag ayos, kikiligin, pag hindi, okay lang rin. Eh yung ganito? Hindi, eh. Iba yung sakit, pwede kang mapaiyak. Nakakalungkot. Sana kung ano ka na lang sa akin dati, ganun ka na lang rin ngayon. Hindi yung ganito, mahirap kasi. Ako, gusto ka habang ikaw walang kamalay malay. Gusto ko na talaga kasing sabihin, para ayun, masabi lang. Naramdaman ko na kasi yung ganung feeling dati, mas magaan sa loob. Gusto ko yung ganun. Kasi super mahirap. Mahirap na ako lang yung may alam.
Tae. Yun nga kasi, wala akong mapagsabihan. Ako lang. Pag natutuwa o nalulungkot ako tungkol sa'yo wala akong mapagkwentuhan. Super sinasarili ko lahat. Kinakausap ko sarili ko. Ngumingiti, tumatawa... parang tanga lang. Kaya ayun, super sakit. Eh kasi naman, parang mali kasi to 'eh. Kaya sa akin na lang. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila dahil baka hindi nila matanggap. Hindi makapaniwala. Mabigla. Saka naisip ko rin na ayusin ko na lang 'to mag-isa. Baka sakaling makalimutan ko to. So wala nang magugulo. Sassabihin ko na lang after 10 years, na may panahon na nagustuhan kita.
Hindi naman siguro mali yung mga naiisip ko. Ewan. Pero paano nga kasi kung sinabi ko sayo? Malay ko, may ibang magandang mangyari. Paano naman yun? Sayang diba. Regrets na naman. Regrets na lang lagi. What if sundin ko yung gusto ko? Na sabihin sayong gusto kita. What if sundin ko yung payo mo dati pa, na kung may gusto ka, sabihin mo... take the risk. Hindi ko akalain, na sayo ko rin pala mararamdaman 'to. Nakakagago. So panu nga kaya kung sayo? Matatanggap mo kaya lahat ng sasabihin ko? Baka kasi iwanan mo rin ako. Nakakatakot kasi. Kaya ganito ko, kasi ayaw kong masaktan. Kaya 'di bale na lang.
0 comments:
Post a Comment