BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Monday, April 12, 2010

Life is Like a Boat

Madalas na akong matanong ng ganyang tanong noon pa. Isang tanong na mahirap sagutin. Mahirap kasing mamili, lalo na kung iyon ay dalawang taong mahalaga sa buhay mo. Wala akong gustong piliin, gusto ko pareho. Pero sa buhay, hindi pwedeng laging dalawa. May mga oras talagang dapat mamili ka.


Noon, `pag tinanong ako tungkol du`n, hangga`t maaari hindi ko sasagutin, wala akong pipiliin. Ayaw ko kasi talagang mamili at mas ayokong malaman ng isa na hindi ko siya pinili. Pero sa bawat tanong na nakukuha ko, napapaisip ako. Paano nga kaya? Dapat akong mamili... At aminin ko man o hindi, meron talaga. Siya. Siya kasi hindi ko alam. Basta siya.

Ngunit hindi ko akalaing darating kami sa punto na `yon, sa puntong mangyayari sa totoong buhay yung dating tanong lamang. Hindi ko na nakuhang mag-isip. Silang dalawa, at ako... kaming tatlo. Nangyari ang hindi inaasahan, at parang nagkaroon na rin ng sagot ang tanong nila noon. Hindi ko rin inaaasahan. Hindi ko rin naisip noong mga panahong iyon. Ngayon na lang ulit, dahil may nagpaalala na naman sa akin ng tanong na iyon.

Ang nakakatawang isipin, sa mga tanong nila, siya ang sagot ko. Pero sa totoong pangyayari, yung isa yung tinulungan ko. Napapaisip tuloy ako ngayon, ano nga ba talaga? Nakatakda bang mangyari iyon dalawang taon na ang nakakalipas? Bakit ganoon? Pero kung iisipin ko ngayon, siya rin talaga. Nabulag lang siguro ako sa pagtingin ko noon sa isa. Ewan.

At ngayon ngang may nagtanong na naman sa akin ng parehong tanong, ayaw ko nang sumagot. Ayaw kong diktahan yung sarili ko sa kung ano ang dapat. Bahala na lang. Mangyari na lang ang mangyari. Hindi ko naman gustong may mangyari para lang malaman ko kung ano yung magiging sagot ko, hayaan na lang natin. Pero sa totoo lang, masakit mang isipin, parang may sagot na ako.

0 comments: